New Orleans, Louisiana, matinding sinalanta ng mga buhawi

By Rod Lagusad February 08, 2017 - 09:12 PM

inquirer.net file photo

Nagdeklara na ng state of emergency Louisiana Gov. John Bel Edwards matapos ang pananalasa ng hindi baba sa pitong buhawi sa New Orleans at sa mga kalapit na lugar.

Wala pang naiuulat na nasawi sa nasabing pananalasa kung saan nasa 25 katao ang nagtamo ng minor injuries kabilang ang isang walong buwan na buntis matapos masira ang kanilang bahay.

Ideneploy na rin ni Edwards ang National Guard para tulungan ang state at local police sa mga lugar na malubhang nasalanta at maiwasan ang mga pagnanakaw.

Ayon sa mga opisyal pinakaapektado ng pananalasa ay ang Eastern New Orleans habang nanatiling Interstate 10 na sarado.

Dagdag pa ni Edwards, na masakit aniya muling makita ang mga pamilya sa Louisiana na muling masalanta ng mga buhawi.

Ayon pa sa gobernador na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong para masigurong matulungan lahat ng naapektuhan ng naturang pananalasa.

Dalawa dito ang tumama sa Orleans Parish, dalawa sa Livingston Parish at isa naman ang tumama sa Tangipahoa, Ascension at St. James parishes.

Una ng nagpahayag ng kanyang pakikiisa at panalangin si US President Donald Trump sa mga nasalanta sa kanyang tweet. Kaugnay nito patuloy ang pagsuyod ng mga emergency crews sa mga kabahayan at palilinis ng mga kalsada.

TAGS: donald trump, John Bel Edwards, Louisiana, New Orleans, tornado, donald trump, John Bel Edwards, Louisiana, New Orleans, tornado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.