Dating Pangulo ng Colombia, tinawag na “idiot” ni Duterte

By Chona Yu February 08, 2017 - 08:59 PM

duterte drugs1Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘idiot’ si Dating Colombian President Cesar Gaviria.

Ito ay matapos magpalabas ng statement si Gaviria na hinihimok si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag gayahin ang kanyang style na ginamitan ng kamay na bakal ang pagsugpo sa problema sa ilegal na droga sa Colombia.

Sa talumpati sa ika 115th anniversary ng Bureau of Customs, sinabi ng pangulo na magkaiba ang sitwasyon ng Pilipinas at Colombia.

Ayon sa pangulo, ang problema sa Colombia ay cocaine na tulad ng heroine at marijuana ay galing sa halaman, pero ang shabu na pangunahing uri ng droga na inaabuso sa Pilipinas ay kemikal na inihalo sa tubig ng baterya.

Inihalintulad pa ng pangulo ang limang milyong mamamayan sa bansa na lulong sa shabu na sa isang alipin na adik sa kemikal.

Muli ring nagpaliwanag si Duterte sa isyu ng extrajudicial killings at ayon sa kanya kung ang pagpatay ay resulta ng panlalaban at pagganap ng mga law enforcer sa kanilang tungkulin, ang responsibilidad dito ay kanyang inaako.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa isang pahayag na iginagalang ng palasyo ang pahayag ni Gaviria na hindi nagtagumpay ang kanilang war on drug kahit ginamitan ng pwersa.

Ayon kay abella, ang strategy ng Pilipinas ay hindi lang sa krimen at iligal na droga kundi kasama din sa pagtugon ang health issue na kalakip ng pagkalulung sa iligal na droga.

Kaya nagkakaroon na ngayon ng mga karagdagang rehab center sa ibat-ibang lugar sa bansa para ma-rehabilitate ang mga maari pang maisalbang adik.

TAGS: Bureau of Customs, Cesar Gaviria, Colombia, Ernesto Abella, extrajudicial killings, Illegal Drugs, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Bureau of Customs, Cesar Gaviria, Colombia, Ernesto Abella, extrajudicial killings, Illegal Drugs, Pilipinas, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.