Mahigit na 500 PDEA personnel, negatibo sa surprise drug test

By Alvin Barcelona February 08, 2017 - 04:10 PM
pdeaNagnegatibo sa droga ang lahat ng mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency na sumailalim sa isinagawa nitong surprise drug test. Ang drug test ay ginawa ng PDEA laboratory services na pinamumunuan ni Director Belen Banog sa 323 na lalake at 225 na miyembro ng PDEAsa national headquarters nito sa Quezon City pagkatapos ng flag raising ceremony nito noong Lunes. Mismong si PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang nanguna sa pagbibigay ng urine samples mula sa hanay ng mga opisyal ng PDEA. Kasama rin sa mga isinailalim sa drug test ang mga administrative/technical personnel at Drug Enforcement Officers (DEOs) ng ahensya. Ayon kay Lapeña, dapat lamang na drug free sila at ipakita na mayroon silang moral ascendancy bilang pangunahing tagapagpatupad ng anti drug law. Kaugnay nito, tiniyak ni Lapeña na ipagpaptuloy nila ang paglilinis sa kanilang hanay sa harap ng mga kumukuwestiyon sa kanilang kredibilidad at integridad.

TAGS: hilippine Drug Enforcement Agency, Isidro S. Lapeña, PDEA, surprise drug test, hilippine Drug Enforcement Agency, Isidro S. Lapeña, PDEA, surprise drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.