Kamara, nagbanta na ipapawalang-bisa ang prangkisa ng higanteng telcos

By Isa Avendaño-Umali February 08, 2017 - 04:13 PM

inquirer.net file photo

Nagbababala ang House Minority Bloc na kakanselahin ng Kongreso ang ibinigay na prangkisa sa mga telecommunication companies dahil sa masamang serbisyo ng internet.

Paalala ni House Minority Leader Danilo Suarez, partikular sa Globe at Smart, ang Kongreso ang nagbigay ng prangkisa sa mga ito kaya pwede itong bawiin din ng mga mambabatas kung hindi magtitino ng serbisyo.

Aniya sakaling aprubahan ng Senado ang franchise ng telcos, pagdating sa bicam ay boboto sila kontra rito.

Ayon naman kay Kabayan Partylist Rep. Harry Roque, ang Kongreso ang nagbibigay ng franchise sa mga telcos, pero sa mismong buildings ng Kamara ay mahina o nawawala ang signal.

Sinabi ni Suarez na dahil sa poor internet service sa ating bansa, umaabot sa 76 billion pesos ang nawawalang kita kada taon sapagkat humihina ang productivity ng mga industriya na nakadepende sa internet gaya ng BPO industry.

Ayon kay Suarez, ang Pilipinas ay nananatiling kulelat pagdating sa kalidad ng internet service.

Batay din aniya sa pag-aaral, ang Pilipinas ay may 54 million internet users hanggang noong June 2016 pero ang cell site sa buong bansa ay 15,000 lamang.

Ang China naman, na may 721 million internet users, ay may 1,180,000 cell sites; samantalang ang Amerika na may 286 million users ay 205,000 ang cell sites.

Sinabi ni Suarez na tinalo pa ng Vietnam, Thailand, Pakistan At Malaysia ang Pilipinas sa dami ng cell sites, gayung mas mababa ang bilang ng internet users ng mga nabanggit na bansa kumpara sa ating bansa.

Para naman kay Ako Bicol PL Rep. Alfredo Garbin, panahon nang magkaroon ng mga bagong players sa sector ng telecommunication.

TAGS: Alfredo Garbin, Danilo Suarez, Globe, Harry Roque, Internet, Kongreso, Smart, telecommunication companies, Alfredo Garbin, Danilo Suarez, Globe, Harry Roque, Internet, Kongreso, Smart, telecommunication companies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.