Deklarasyong all-out war ni Pangulong Duterte hindi na bago sa CPP-NPA

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo
Kinumpirma ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief negotiator Fidel Agcaoili na natanggap na nila ang written notice ng pamahalaan hinggil sa pag-terminate ng JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Sinabi ni Agcaoili na bagaman hindi nabanggit sa nasabing liham, itinuturing nilang ang written notice na nilagdaan ni Peace Adviser Sec. Jesus Dureza ay pag-terminate na din sa peace negotiations.

“We intend to acknowledge it today to enable the 30-day grace period to run. It is actually an odd notice since it only terminates the JASIG and not the peace negotiations but has the same effect,” Ani Agcaoili.

Ayon kay Agcaoili hindi na ito bago para sa kanilang grupo dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ang pamahalaan ng all-out war laban sa CPP-NPA.

Aniya, nagdeklara na rin ng all-out war noon sa kanila si dating Pangulong Joseph Estrada matapos malagdaan ang Visiting Forces Agreement (VFA), at si dating pangulong Corazon Aquino matapos 1987 Mendiola Massacre.

Paliwanag ni Agcaoili, sanay na sila sa ganitong uri ng banta mula sa gobyerno.

“We are used to this threats. The the Filipino people to bring about a just and lasting peace in the country, dagdag pa ni Agcaoili.

Kahapon, kinumpirma ni Dureza ang pag-terminate sa JASIG at ang notice ay ipinadala nila kina Agcaoili at NDF chief political consultant Jose Ma. Sison.

Read more...