Aabot sa 3,000 pamilya, apektado ng magdamag na sunog sa Tondo Maynila
(UPDATE) Mahigit walong oras na nasunog ang isang residential area sa Parola Compound sa Tondo Maynila.
Ayon sa Manila Fire Department, nagsimula ang sunog bago mag alas 10:00 ng gabi kagabi na umabot sa Task Force Delta ang alarma.
Sa simula pa lamang ng pagresponde, nahirapan na ang mga fire trucks na makapasok sa lugar dahil sa napakakipot na daan.
Maging ang paglabas ng mga truck para sana mag-refill ng tubig ay pahirapan din.
Pito katao ang nagtamo ng minor injury dahil sa nasabing sunog.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nanay Adang bandang 9:38 kagabi,
Sinabi ng Manila Fire Department na aabot na sa hanggang 1,000 bahay ang nasunog at nasa 3,000 pamilya na ang apektado.
Alas 6:23 ng umaga nang maideklarang fire under control ang sunog at naideklarang fire out alas 7:58 ng umaga.
Umabot naman sa anim na milyong piso ang halaga ng pinsala ng sunog.
WATCH: Nasa Task Force Delta pa rin ang sunog sa Parola Cmpd sa Maynila | @jongmanlapaz pic.twitter.com/B6QtSQTd6J
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 7, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.