Travel at refugee ban ni Trump, nakatakda nang siyasatin sa korte

By Kabie Aenlle February 08, 2017 - 05:07 AM

TrumpEOIhaharap na sa US Supreme Court ang legal battle kaugnay ng ipinatupad na travel at refugee ban ni US President Donald Trump.

Sa kanilang depensa, iginiit ng mga abogado ng US Department of Justice “vastly overbroad” ang pagsuspinde ng isang federal judge sa executive order ni Trump.

Matatandaang sinuspinde ang nasabing kautusan noong Biyernes, at mula noon ay dinala na ito sa San Francisco kung saan dinipensahan ng mga abogado ng US Department of Justice ang desisyon ni Trump, bilang isang “lawful exercise” sa kaniyang kapangyarihan.

Tinawag rin ng kagawaran na “vastly overbroad” o masyadong malawak ang naturang nationwide injunction laban dito.

Sinubukan pang idulog sa appeals court ang pagpapa-reinstate ng nasabing ban, pero agad naman itong ibinasura.

Ayon pa sa mga abogado para sa Washington at Minnesota na kumokontra sa kautusan, magsasanhi lang ulit ng kaguluhan kung ibabalik ang pagpapatupad ng ban.

Ngunit giit ng judtice department, bilang pangulo, may karapatan si Trump na pigilin ang pagpasok ng mga dayuhan sa United States sa ngalan ng national security.

Itinakdang gawin ang pagdinig sa legalidad ng kautusang ito sa Martes, alas-3:00 ng hapon, oras sa San Francisco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.