2 patay sa magkalapit na lugar sa Bagong Silang, Caloocan

By Jong Manlapaz February 08, 2017 - 04:23 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawang lalake ang iniwang patay ng mga armadong kalalakihan sa magkasunod na serye ng pamamaril sa Bgy. Bagong Silang Caloocan City kagabi.

Unang napatay ang barker ng jeep na kinilala sa alyas na Jojo, na nakaistambay sa may bahagi ng Phase 1, Brgy. 127, Bagong Silang na nilapitan ng riding in tandem at pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinilaman sa droga ang napatay na si alyas Jojo, dahil kilala umano sa lugar na sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang napatay na biktima.dead barker

Isang kilometro lamang ang layo ng mapatay naman si Erol Pedinos na isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa may bahagi ng Phase 5, Brgy.127, Bagong Silang North Caloocan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Caloocan police, riding in tandem rin ang tumira kay Erol habang nakahinto sa nasabing lugar sakay ng tricycle.

Ang dalawang suspek ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Si Erol ay sinasabing nasangkot din umano sa bawal na gamot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.