Dela Rosa sa panghihiya sa mga pulis: “Ano naman?”

By Kabie Aenlle February 08, 2017 - 04:26 AM

dela rosa push up“Ano naman?”

Ito ang reaksyon ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa mga bumabatikos sa kaniyang “shame campaign” o panghihiya sa mga tiwaling pulis.

“So what! Ano ang gusto nila? So what kung makita ang mga mukha nila? Mahiya sila? So what? Ano gusto nilang palabasin?” ani Dela Rosa sa kaniyang mga kritiko.

Marami kasi ang pumuna sa ginawa niyang pagmumura at nang utusan niyang magpush-ups ang mga pulis sa harap ng media dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Isa sa mga bumatikos kay Dela Rosa nang gawin niya ito ay si Sen. Chiz Escudero na sinabing ginagawa lang ito ni Dela Rosa para lamang maipalabas sa TV.

Kahapon naman, dinala ni Dela Rosa ang 228 na pulis sa Malacañang para iharap sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na pinaulanan rin sila ng mura.

Bago tumungo sa Malacañang, sinermunan rin ni Dela Rosa ang mga ito sa Camp Crame.

Pero paliwanag ni Dela Rosa sa mga nagsasabing malambot ang parusa niya sa mga pasaway na pulis, hindi lang push-ups o paglilinis sa Ilog Pasig ang gagawin ng mga ito.

Mahaharap rin aniya ang mga naturang pulis sa mga kasong kriminal at administratibo base sa kanilang ginawa.

Hindi niya aniya alam kung saan siya lulugar dahil kapag binugbog naman niya ang mga ito, tatawagin naman siyang “Number one human rights violator.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.