Supply officer ng NPA, patay sa engkwentro sa mga sundalo

By Kabie Aenlle February 08, 2017 - 04:21 AM

 

maa, davao cityIsang supply officer ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo ng Philippine Army (PA) matapos umano siyang tumangging magpa-aresto sa Brgy. Maa, Davao City.

Ayon kay Army 10th Infantry Division spokesperson Capt. Ryan Batchar, tumungo sa Don Julian Subdivision ang pinagsanib na pwersa ng mga pulis at sundalo para arestuhin si Glenn Ramos alyas Berdan para sa kinakaharap niyang kasong attempted homicide.

Ani Batchar, sa halip na sumuko ay bumunot pa si Ramos ng cal. .38 na handgun at saka pinaputukan ang grupo na aaresto sa kaniya.

Nagtamo aniya ito ng dalawang tama ng bala sa katawan at isinugod sa Southern Philippines Medical Center kung saan siya idineklarang patay.

Narekober ng arresting team ang isang fragmentation grenade at isang improvised explosive device na naka-konekta pa sa isang electrical wire at live na 7.62mm na bala.

Samantala, dalawang rebeldeng NPA naman ang sumuko sa mga otoridad sa Malita, Davao Occidental ayon kay Amry 73rd Infantry Battalion commender Lt. Col. Marion Angcao.

Napasabak aniya ang kaniyang mga tauhan sa bakbakan laban sa mga naturang rebelde sa Brgy. Little Baguio sa Malita, pero wala namang napaulat na nasawi.

Bukod dito, dalawang rebeldeng NPA rin ang sumuko naman sa Cagayan de Oro City ayon sa 4th Infantry Division.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.