2 babaeng pulis, kasama sa mga ipatatapon sa Basilan

 

Dalawang babaeng pulis sa 228 na mga pasaway na pulis ang kasama sa mga ipatatapon ni pangulong Rodrigo duterte sa basilan.

Nabatid na kapwa may ranggong Police Officer 1 ang dalawang babaeng pulis.

Ayon sa pangulo, nais niya sanang itapon sa ilog Pasig ang mga pasaway na pulis subalit dahil sa tiyak na pagpuna ng human rights group, ipadadala na lamang niya ito sa Basilan.

Nais din sana ng pangulo na ipainom na lamang sa mga pasaway na pulis ang maruming tubig sa ilog Pasig para maubos na ito.

Hindi na aniya kailangan na mag retraining ang mga pulis dahil kulang ang puwersa ng pamahalaan sa basilan.

Una rito, pinaghahanda ng pangulo ang mga pasaway na pulis ng labing limang araw para magtungo sa Basilan.

Kung hindi naman aniya tatalima ang mga pulis, mas makabubuting mag resign na sila sa trabaho.

Read more...