Pag-aresto sa consultant ng NDFP, iligal ayon sa kanilang abogado

By Kabie Aenlle February 08, 2017 - 04:02 AM

 

Inquirer file photo

Iginiit ng legal consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na iligal ang pag-aresto sa isa nilang consultant na si Ariel Arbitrario.

Kinwestyon ni Atty. Edre Olalia ang muling pagpapaaresto sa mga pinalayang political consultants, base lamang sa mga binigkas na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa aniya itong paglabag sa due process at mga binding agreements partikular na sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Kahapon lamang ay nagpadala na ang pamahalaan ng notice sa NDFP na kinakansela na nila ang JASIG, ngunit ayon kay NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili, nakasaad sa kasunduan na mayroon pa silang 30-day grace period.

Ayon kay Olalia, iligal ang ginawang pag-aresto kay Arbitrario base lamang sa sinabi ng pangulo, at nakatitiyak siyang batid ni Pangulong Duterte ang mga legal procedures para dito.

Sakali aniyang ang naging basehan lang ng pag-aresto kay Arbitrario ay ang pronouncement ng pangulo, dapat itong siyasatin ng Korte Suprema, kasunod ng pag-kwestyon niya sa pagbibigay ng isang huwes ng commitment order base dito.

Si Arbitrario at ang iba pang mga consultants ay sakop ng JASIG, na nagbibigay sa kanila ng immunity mula sa surveillance, harassment, search, arrest, detention, prosecutioon at interrogation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.