Mga tahanan sa bahagi ng Parola Compound Tondo, nasusunog

By Jay Dones, Jong Manlapaz February 08, 2017 - 04:25 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tinutupok ngayon ng malaking sunog ang mga tahanan ng mga residente sa Parola Compound, Tondo Maynila.

Nagsimula ang naturang sunog dakong alas-9:00 ng gabi, at mabilis na kumalat sa mga kabahayan dahil sa gawa sa light materials ang mga ito.

Agad itong itinaas asa Task Force Alpha upang agad na makaresponde ang mas maraming fire trucks.fire parola1

Mag-aalas dose ng hatinggabi, itinaas na rin ito sa Task Force Delta.

Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng mga kagawad ng pamatay sunog na apulain ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.