Isa sa 3 ‘narco-congressmen, inalis sa listahan
Tinanggal na ang isa sa tatlong Kongresista na napabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Farinas sa sesyon ng Kamara kahapon.
Bago ito, iginiit muna ni Buhay PL Rep. Lito Atienza na masisimulan lamang sa plenaryo ang pagtalakay sa Death Penalty bill kung ibubunyag na ng liderato ng Kamara ang tatlong narco-Congressmen.
Pero tumayo si Farinas at ikinatwiran na si Pangulong Duterte lamang ang maaaring magbunyag ng pagkakakilanlan ng mga narco-solons.
Katwiran pa ni Farinas, unfair na ilantad ang pangalan ng tatlong kongresista na kasama sa narco-list, habang patuloy na bineperipika pa ito.
Hanggang sa kinumpirma niya na wala na nga ang isa sa tatlong incumbent congressmen sa listahan ng umano’y sangkot sa droga.
Gayunman, sinabi nito na makikipag-pulong pa rin siya kay PDEA Director Isidro Lapena at PNP Chief Bato dela Rosa, maging sa dalawang kongresista upang malaman ang katotohan hinggil sa narco-list.
Ipinangako rin ni Farinas na bago ang botohan sa Death Penalty bill ay posibleng ilabas na ang pangalan ng narco-congressmen, pero kung ito ay may sapat na batayan na na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.