4-anyos na bata, patay sa sunog sa QC

 

Isa ang patay sa sunog na tumupok sa apat na kabahayan sa Kasoy St., Barangay Commonwealth sa lungsod ng Quezon Martes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Aristotle Banaga ang nasawi na si Angelo Sison apat na taong gulang.

Ayon sa tiyahin ng biktima, hindi nila napansin na naiwan sa loob ng nasusunog na bahay ang bata.

Bagama’t tinangka pa nilang pasukin ang bahay, naging lubhang malaks ang apoy kaya’t hindi na nila nagawang masagip pa ang biktima.

Ang sunog ay nagsimula alas-3:23 ng hapon, sa dalawang palapag na tahanan at umabot ng 2nd alarm bago idineklarang fire out dakong alas-3:55 ng hapon.

Read more...