Kinansela na ng pamahalaan ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.
Ito ay matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines.
Ipinadala ang liham sa NDFP sa pamamagitan ni Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, kung saan naka-address ito kay Jose Maria S na siyang founding chairman ng NDFP.
Dahil sa pagkansela sa JASIG, maari nang arestuhin ng mga otoridad ang mga consultants ng NDFP na pansamantalang pinalaya korte.
Samantala, sa cabinet meeting kanina, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na inaprubahan na ng pangulo ang pagbabalik sa Reserved Officers Training Course (ROTC) para sa mga estudyante na nasa Grades 11 and 12 sa lahat ng public at private schools sa bansa.
Ayon kay Piñol, isusumite ang panukala sa dalawang kapulungan ng kongerso para mapagtibay ito.
Layun aniya ng ROTC na maibalik ang patriotism, pagmamahal sa bansa, moral and spiritual values, respect for human rights and adherence to the Constitution sa mga kabataan.
Matatandaang itinigil ang ROTC noong 2001 matapos mabalot ng kontrobersiya gaya ng hazing.