Bong Revilla pansamantalang makakalabas sa kulungan
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit na furlough ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Nauna nang naghain ng urgent motion si Revilla Jr. sa 1st division ng anti-graft court na humihiling na makadalaw siya sa amang si dating Senador Ramon Revilla Sr. na sasailalim sa operasyon.
Si Revilla Sr. ay sasailalim sa transarterial aortic valve replacement sa St. Lukes Medical Center, bukas ng umaga.
Sa pasya ng Sandiganbayan, bunsod ng humanitarian considerations ay pinapayagan si Revilla Jr. na madalaw ang tatay bukas, 7AM hanggang 11AM, at sa Huwebes, mula 4PM hanggang 8PM.
Kailangan lamang ni Revilla Jr. na sumunod sa mga panuntunan na ibinigay ng korte.
Makailang beses nang humirit si Revilla Jr. ng furlough para madalaw ang kanyang amang may sakit, na pinayagan naman ng Sandiganbayan.
Si Revilla Jr. ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa Pork Barrel scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.