PSG binatikos ng NUJP sa pananakit sa ilang mamamahayag sa Malacañang

By Alvin Barcelona February 07, 2017 - 05:06 PM

PSG
Inquirer file photo

Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na nagtangkang pigilan ang media na i-cover ang  kilos protesta sa Malacañang ng mga political prisoners kaninang umaga.

Sa isang statement, sinabi ng NUJP na bagama’t nauunawaan nila ang trabaho ng PSG na bantayan ang palace grounds, ang hindi nila maintindihan ay kung bakit kailangan pa nitong kumpiskahin ang camera footage na kinuha ng mga mamamahayag.

Base sa mga ulat, nakipag-agawan ang isang reporter para sa kanyang cellphone sa isang PSG guard na tinangka umanong burahin ang kanyang kinuhang video clips ng kilos protesta.

Mabuti at nakatakas ang mamamahayag sakay ng kanyang crew cab.

Ayon sa NUJP, malinaw aniya na hindi naiintindihan ng PSG ang trabaho ng media at ang nakakatakot aniya ay mukhang hindi rin nito alam kung ano ang sakop ng kanilang otoridad.

Kaugnay nito, nanawagan ang NUJP sa

Presidential Task Force on Media Safety na agad na imbestigahan ang nasabing insidente at tiyakin na madidisiplina ang mga sangkot na PSG at hindi na ito mauulit sa hinaharap.

TAGS: Malacañang, media, nujp, PSG, Malacañang, media, nujp, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.