1 sundalo patay, 2 sugatan sa pakikipag-laban sa NPA sa Capiz

By Ruel Perez February 07, 2017 - 04:51 PM

Tapaz CapizIsa sundalo ang namatay habang dalawa ang sugatan matapos ang enkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Capiz.

Sa impormasyon na nakarating sa Camp Aguinaldo, nakasagupa ng mga sundalo ng 61st Infantry Batallion ng Philippine Army ang mga rebelde sa pamumuno ni  Kumander Pigoy sa Barangay Tacayan, Tapaz lalawigan ng Capiz.

Hindi naman matiyak kung may nasawi o nasugatan sa panig ng mga rebelde.

Kanina ay sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nagdeklara na ng all-out war ang pamahalaan laban sa mga armadong communist guerilla.

Ito ay bilang tugon na rin sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang pag-aresto sa mga lider ng NPA.

TAGS: AFP, Capiz, lorenzana, NPA, AFP, Capiz, lorenzana, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.