Nagdeklara na ng all-out war ang Department of National Defense laban sa armed component ng New People’s Army (NPA).
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi naman ito nangangahulugan na all-out war pati sa mga taga-suporta ng NPA na mga militanteng mga grupo.
Ayon kay Lorenzana, batid niyang gasgas na ang terminong “all-out war”.
Wala aniya siyang itinatakdang deadline kung kalian uubusin ang mga miyembro ng NPA.
Basta ang sabi ni Lorenzana, tatalima ang kanilang hanay sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin ang mga miyembro ng rebeldeng komunista.
Nauna na ring sinabi ng CPP-NPA na nakahanda na ang kanilang hanay sakaling maglunsad ng opensiba ang militar laban sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.