NPA, pinakakasuhan sa International Criminal Court

By Isa Umali February 07, 2017 - 01:13 PM

CPP-NPAHinimok ni Kabayan PL Rep. Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ang New People’s Army o NPA sa International Criminal Court o ICC dahil sa mga pagdukot at pagpatay sa mga sundalo habang umiiral ang unilateral ceasefire.

Giit ni Roque, malinaw na nilabag ng NPA ang international humanitarian law o IHL dahil sa mga kinasangkutan nilang karahasan.

Sinabi ng mambabatas na uubra namang magsampa ng kaso laban sa NPA sa lokal na korte, pero mas mainam kung sa ICC dahil mas neutral ito.

Sakop aniya ng international humanitarian law ang lahat ng combatant groups sa bansa, organisasyon man ng pamahalaan o hindi.

Ang NPA ay sakop din aniya ng IHL dahil akma sa treshold ng organizational requirements ng armadong grupo.

Sinabi ni Roque na kabilang dito ang pagkakaroon ng command structure, military at logistical capacity, internal disciplinary system at kakayahang ipatupad ang IHL maging ang paninindigan bilang isang organisasyon.

TAGS: International Humanitarian Law, Kabayan PL Rep. Harry Roque, NPA, pagdukot, pagpatay sa mga sundalo, unilateral ceasefire, International Humanitarian Law, Kabayan PL Rep. Harry Roque, NPA, pagdukot, pagpatay sa mga sundalo, unilateral ceasefire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.