3 crew sugatan, 544 na pasahero naligtas sa nasunog na barko sa Ormoc City

August 15, 2015 - 10:34 AM

wonderful stars fire
Inquirer file Photo

Nasunog ang isang pampasaherong barko habang nakadaong sa pier ng Ormoc City sa lalawigan ng Leyte kaninang umaga.

Ayon sa paunang report ng Philippine Coast Guard (PCG), sugatan ang tatlong crew ngunit ligtas ang lahat sa 544 na pasahero ng M/V Wonderful Star.

Nangyari ang sunog bandang alas kuwatro ng madaling araw at nagmula umano ang apoy sa cabin ng mga crew.

Mabilis na naapula ng mga tauhan ng barko ang sunog na tumagal lamang ng ilang minuto ayon sa radio transmission report na ipinadala sa Headquarters Philippine Coast Guard sa Maynila.

Ang barko ay galing ng Cebu City na may lulan ring 15 vehicles kabilang ang dalawang 10-wheeler trucks. / Jimmy Tamayo

TAGS: Ormoc City, PCG, RoRo, Ormoc City, PCG, RoRo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.