Mga negosyante sa bansa, hindi sasagarin ang paniningil ng buwis.

By Chona Yu February 07, 2017 - 11:07 AM

talumpati ng pangulo sa 2017 tax campaign ng Bureau of Internal RevenueTiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sasagarin ang paniningil ng buwis sa mga negosyante sa bansa.

Sa talumpati ng pangulo sa 2017 tax campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR), tiniyak nito na magagamit sa tama ang makokolektang buwis.

Ayon sa Pangulong Duterte, makakaasa ang mga taxpayers na walang korupsyon sa taas at patunay dito ang walang kontratang dumadaan sa kanyang opisina para sa kanyang review.

Kasabay nito, nilinaw ni Pangulong Duterte na kuwento o biro lang ang kanyang pagbabantang papatayin nito ang mga hindi nagbabayad ng buwis.

Kaya huwag daw matakot ang mga negosyante dahil hindi naman sila durugista o mga kriminal.

Maliban na lamang daw sa mga police scalawags na hindi na kailangang isailalim sa re-training, bagkus kanyang paglilinisin sa Pasig River na punung-puno ng mga water lilies.

TAGS: BIR, makokolektang buwis, Pangulong Duterte, tax payers, BIR, makokolektang buwis, Pangulong Duterte, tax payers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.