Sapat na ayuda sa mga naapektuhan ng Bagyong Bising tiniyak ng DSWD
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sapat na resources na magagamit sa naapektuhan Bagyong Bising na ngayon ay isa na lamang low pressure area (LPA).
Ayon kay DSWD Sec Judy Taguiwalo mayroong halos kalahating milyong family food packs na naka-posisyon sa iba’t ibang field offices sa bansa.
Bukod pa dito ani Taguiwalo sa standby funds na mahigit ₱2.3B piso.
Noon pang nakalipas na linggo ay naka-blue alert na ang DSWD-Disaster Response Assistance and Management Bureau na handang umasiste sa ating mga kababayan sa Eastern part ng bansa.
Dahil dito umaapela si Taguiwalo sa publiko na maging handa at panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang sakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.