70 pulis-Maynila na tinaguriang police scalawags, ipinatawag sa tanggapan ng MPD

By Angellic Jordan February 07, 2017 - 09:35 AM

16652744_1775374025822012_199014211_nIpinatawag ang mahigit pitumpung pulis maynila na tinaguriang mga police scalawags sa manila police district headquarters ngayong umaga.

Alas siyete ng umaga, magsisimulang magtipon ang mga pulis sa MPD headquarters ground suot ang type c uniform asul na damit at blue pants.

Mula sa tanggapan ng MPD, dinala ang mga naturang pulis sakay na 6×6 truck ng National Capital Region Poloce Office (NCRPO) sa Kampo Crame bandang alas otso ng umaga.

Kasunod nito, dadalhin sa Malakanyang upang iprisinta ni PNP chief Director General MPD police 1Ronald Dela Rosa kay Pangulong Duterte.

Maliban dito, paglinisin rin umano ang mga pulis ng water lilies sa ilog pasig.

Kabilang din sa ilang mga pinagreport sa kampo crame ang mga opisyal na nahaharap din sa ibat ibang reklamo, kasama ang pang aabuso sa kapangyarihian at robbery extortion.

Samantala, matatandaang tinuro mismo ni Bato ang 378 na police scalawags na paglilinisin sa Ilog Pasig.

TAGS: bato, duterte, Ilog pasig, MPD, police scalawags, Water lilies, bato, duterte, Ilog pasig, MPD, police scalawags, Water lilies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.