Afghan diplomat, patay sa pamamaril ng kapwa niya afghan national sa Pakistan

karachi cityNasawi ang isang Afghan diplomat matapos barilin ng isang guard sa mismong Afghan consulate sa Karachi City, Pakistan.

Ayon sa pulisya, Afghan national rin ang guard na pumatay sa diplomat na kinilalang si Muhammad Zaki Abdu, third secretary ng consulate.

Ginamit umano ng suspek ang kaniyang automatic na armas, kaya maraming bala ang tumama sa diplomat, na siyang ikinasawi nito.

Naaresto rin ng mga otoridad ang suspek nang manghimasok sila sa insidente. Sinasabing personal na galit ang naging ugat ng pagpatay ng guwardya sa biktima.

Read more...