Ayuda para sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol, inilabas na

By Kabie Aenlle February 07, 2017 - 06:38 AM

Photo via San Andres Muncipal Police Station
Photo via San Andres Muncipal Police Station

Naibigay na ng Department of Agriculture ang P72 milyong halaga ng mga gamit pananim at gamot para sa mga hayop sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong “Nina” sa Bicol.

Tinatayang nasa P5 bilyong pisong halaga ng mga pananim at livestock kasi ang nasira ng naturang bagyo sa Bicol at Timog Katagalugan.

Ayon kay DA Bicol Regional Director Elena Delos Santos, hinugot ang inisyal na rehabilitation assistance mula sa calamity fund ng regional DA na inilabas ng Department of Budget and Management noong nakaraang linggo.

Idadaan aniya ang ayudang ito sa local na pamahalaan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes, na pawang mga labis na nasalanta ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.