Pangulong Duterte, ayaw munang makipag-kita kay Joma Sison

By Kabie Aenlle February 07, 2017 - 06:35 AM

duterte-0206Nawalan na ng gana si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison at sa iba pang mga rebelde.

Ito aniya ay hangga’t hindi bumabalik sa tamang huwisyo ang mga rebelde.

Kasunod nito ay binalaan rin ni Duterte si Sison sa pagbalik dito sa Pilipinas, dahil tiyak aniyang sa kulungan siya mauuwi kapag umuwi siya sa bansa, mula sa Netherlands.

Matatandaang sa simula ng kaniyang pamumuno, nagpahayag ang pangulo ng kahandaan na makapulong ang pinuno ng komunistang grupo.

Kamakailan lang ay nagdesisyon si Pangulong Duterte na ihinto na ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines, kasunod ng pag-bawi rin niya ng unilateral ceasefire ng pamahalaan sa New People’s Army.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.