Teorya ng ‘Korean mafia’ sa pagpatay kay Jee Ick Joo, hindi pa opisyal

By Kabie Aenlle February 07, 2017 - 04:20 AM

 

dela-rosa21Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na hindi pa nila itinuturing na isang opisyal na teorya ang umano’y pagkakasangkot ng isang Korean mafia sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ayon kay dela Rosa, hindi pa ito ang opisyal na anggulong sinusundan ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang kaso.

Batid naman ni Dela Rosa na may mga kompetisyon talaga sa loob ng Korean community, ngunit hindi pa nila nae-establish ang nasabing posibilidad dahil narinig lang niya ito at wala pa siyang mga impormasyon ukol dito.

Aniya pa, nalaman lang niya ito mula sa reporter na nakuha ang impormasyon mula sa isang source na retired general, ngunit ayaw naman itong pangalanan.

Ayon pa kay Dela Rosa, pilit na isinusubo sa kaniya ang naturang Korean mafia theory para sumang-ayon siya ngunit iginiit niyang sa ngayon ay hindi pa nila ito maiku-konsidera.

Kasabay nito ay nanawagan rin si Dela Rosa sa publiko na ihiwalay ang mga teorya ng PNP at NBI na base sa kanilang imbestigasyon, mula sa mga haka-haka ng ibang tao tulad ng mga retiradong opisyal.

Sa ngayon aniya ay naniniwala sila na posibleng extortion ang dahilan ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.