Walang bangkay na natagpuan sa nasunog na pabrika sa Cavite

 

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Walang natagpuang bangkay ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang mga forensic experts na nag-imbestiga sa nasunog na pabrika ng House Technologies Inc. (HTI) sa Cavite noong nakaraang linggo.

Ayon kay Supt. Roy Camarillo na hepe ng police medico-legal team ng CALABARZON, walang nakita ang Scene of the Crime Operatives na indikasyong may mga taong na-trap at nasawi sa loob ng pabrika nang masunog ito.

Ayon naman kay Cavite Gov. Jesus Crispin Remulla, kalahati na ng gusali ng HTI ang nahalughog ng mga otoridad, habang ang natitirang bahagi ay nasa ilalim ng gumuhong bubong.

Para masiyasat ang bahaging ito, kakailanganin pa aniya ng mga otoridad ng malalaking makinarya para mabuhat o mai-alis ang mga debris.

Dahil dito, sa ngayon ay masasabi aniya nilang wala pa silang bangkay na nakikita.

Read more...