Mining group, dumulog na kay Pres. Duterte

By Jay Dones February 07, 2017 - 04:19 AM

 

Inquirer Photo - Jaymee Gamil
Inquirer Photo – Jaymee Gamil

Dumulog na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Chamber of Mines of the Philippines (COMP) sa pag-asang irekonsidera nito ang pagpapasara ni Environment Secretary Gina Lopez sa 23 minahan sa bansa.

Sa kanilang statement, sinabi ng COMP na labis nang naapektuhan ang mga komunidad sa pagpapasara ng mga naturang minahan at pagsuspinde operasyon ng limang iba pa.

Tinawag rin na iresponsable, unfair at iligal ang pagbansag ni Lopez na ‘healing the hurt’ ang kanyang ginawang hakbang.

Giit ng grupo, taliwas sa kanyang ‘healing the hurt’ statement, mas lalong nasasaktan ang mga komunidad at mga residente sa biglaang pagpapasara ng mga minahan.

Inilagay rin anila ng Kalihim sa alanganin ang hanapbuhay ng nasa 1.2 milyong katao na umaasa sa legal at lehitimong pagmimina.

Dahil rin aniya sa kautusng ito, nalagay sa ‘limbo’ ang nasa 22 milyong dolyar na halaga ng investment sa mining sector.

Una nang ipinag-utos ni Sec. Lopez ang closure ng nasa 23 minahan at limang iba pa dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Giit pa ng Kalihim, handa niyang lisanin ang kanyang puwesto kung nanaisin ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.