Suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 13-anyos na dalagita sa Caloocan, nadakip na

By Jay Dones February 07, 2017 - 04:16 AM

 

Larawan mula sa FB

Naaresto na ng Caloocan City Police ang suspek sa panggagahasa umano at pagpatay sa isang 13-anyos na dalagita sa lungsod.

Nahaharap sa kasong rape with homicide ang suspek na si Lino Albaiz, na kapitbahay umano ng biktimang si Rebecca Galguerra sa Bgy. Bagumbong, Caloocan City.

Inamin ng suspek na napatay niya ang biktima ngunit itinanggi nitong kanyang ginahasa ang dalagita.

Giit pa ng suspek, may relasyon umano sila ng 13-anyos na biktima.

Nang maaresto, kinakitaan ng sugat sa mukha ang suspek na posibleng dulot ng panlalaban ng biktima.

Diumano, may kapansanan sa pag-iisip ang suspek at may kaso na rin dati ng malicious mischief sa Pasig City.

Sabado ng hapon, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang ina matapos itong magpaalam na mangunguha ng mangga di kalayuan sa kanilang lugar.

Linggo ng umaga, natagpuan ang walang saplot na katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa Santol St., na may takip na plastic sa ulo at siniksikan ng styrofoam ang bibig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.