US, walang balak gamitan ng pwersa ang isyu sa South China Sea

 

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Nilinaw ni US Defense Sec. Jim Mattis na hindi nila gagamitin ang pwersa ng kanilang militar para harapin ang isyu sa South China Sea.

Sa kaniyang pagbisita sa Tokyo, Japan, sinabi ni Mattis na wala silang nakikitang dahilan para gumamit ng “dramatic military moves” sa ngayon.

Gayunman, ipinangako naman ni Mattis na dahil absolute ang freedom of navigation, ipagpapatuloy nila ang paglalayag ng commercial shipping man o ng US Navy sa South China Sea, alinsunod sa nakasaad sa batas.

Inihayag naman ni Mattis na ipagpapatuloy ng Trump administration ang dati nang US-Japan security treaty kung saan dapat tumulong ang US na protektahan ang pamumuno ng Japan sa Senkaku islands sa East China Sea, na inaangkin rin ng China.

Samantala, welcome naman kay Chinese Foreign Ministry spokesman Lu Kang ang mungkahi ni Mattis na dapat gawing prayoridad ang paggamit ng diplomasya sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Bukod dito, ikinalugod rin ng China ang desisyon ng US na huwag gumamit ng military action para tablahin ang pagiging agresibo ng China sa pag-angkin ng mga teritoryo sa rehiyon.

Read more...