Sasakyan ng Vice Mayor sa Samar pinagbabaril, driver nito sugatan

 

Courtesy Gina Dean/Gandara MPS

Sugatan ang driver ng Vice Mayor ng San Jorge, Samar matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang mga suspek kahapon.

Ayon kay Sr.Insp. Edwin Tolibas, hepe ng San Jorge PNP, tadtad ng bala ang sinasakyang kulay abo na Toyota hi ace van na may plakang
SAA 3932 ni vice mayor Nancy Grey matapos tambangan sa Bgy. Mancol.

Sakay umano ng van si ang bise alkalde at patungo ng munisipyo para dumalo ng session ng paulanan ng bala ng ‘di nakilalang mga suspek.

Sugatan ang driver ni VM Grey na nakilalang si Catalino Ubaub, 26,

Patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga suspek.
Noong nakaraang January 30, hinagisan naman ng granada ang dalawang bahay ng pamilya ng bise alkalde sa Bgy. Mancol aty La Paz.

Sa naturang insidente, dalawang security aide ni Mayor Jojo Grey, asawa ng vice mayor Nancy ang nasugatan.

Read more...