Mga nakatiwangwang na lupa balak buwisan

 

Inquirer file photo

Balak ng Pangulong Rodrigo Duterte na buwisan ang mga nakatiwangwang na lupa sa bansa.

Sa launching ng ‘Hardin ng Lunas’ sa Presidential Security Group (PSG) compound sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na doble o tripleng buwis ang sisingilin ng pamahalaan sa mga lupang hindi ginamit ng sampu hanggang dalawampung taon.

Ayon sa pangulo, ito ay para mahikayat ang mga may-ari na lupa na pagtaniman ito o hindi kaya ay ipagamit sa gobyerno.

Mahalaga aniya ang food production sa bansa lalo’t mataas na ang demand ng China ng gulay at iba pang uri ng pagkain.

Read more...