Mga oil companies may oil price increase bukas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

May panibagong dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies bukas, February 7.

Magkakasunod ang price advisory na inilabas ng Petron, Shell, Phoenix Petroleum, Flying V, Caltex, PTT at Seaoil kaugnay sa price increase.

Pare-pareho silang magdaragdag ng P0.50 centavos sa bawat litro sa presyo ng gasolina, P0.30 centavos sa diesel at P0.30 centavos naman sa kerosene o gaas.

Ang nasabing price hike ay base na rin sa pag-galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Noong nakalipas na buwan ng Enero ay tatlong beses na nagpatupad ng price increase ang mga oil companies.

Read more...