Political asylum para sa mga NDF consultants okay lang ayon kay Duterte
Walang nakikitang problema si Pangulong Rodrigo Duterte kung hihingi ng asylum sa The Netherlands ang mga political consultants ng National Democratic Front na lumahok sa peace talks.
Ayon sa pangulo, oras kasi na humingi ng asylum ang mga political consultants tiyak na hindi na makababalik ang mga ito sa Pilipinas.
Pinakamasakit aniya para sa isang Pinoy ang mamatay sa ibang bansa nang hindi man lang nakauuwi sa Pilipinas.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos kanselahin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDF.
Ayon sa pangulo, ilang political leaders ng NDF ang hindi pa umano nakababalik ng bansa.
Matatandaang ginanap ang una at pangalawang round ng peace talks sa Oslo, Norway habang ang pangatlong round ay ginanap sa Rome sa Italy.
Sinabi rin ng pangulo na ibabalik niya sa loob ng kulungan ang mga pinalayang consultants ng komunistang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.