Malaking sunog sa Cavite EPZA pinaiimbestigahan sa Kamara

By Isa Avedaño-Umali February 06, 2017 - 04:35 PM

Makabayan HTI
Photo: Isa Umali

Pormal nang inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara ang isang resolusyon na nagpapa-imbestiga sa sunog na tumupok sa House Technology Industries o HTI building sa loob ng Cavite Export Processing Zone.

Sa kanilang House Resolution 747, pinasisiyasat sa House Committee On Labor and Employment kung sumunod ba sa occupational and health standards ang HTI.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus, isang malaking workplace disaster ang naganap na sunog kaya hindi dapat balewalain ng Kongreso.

Hanggang ngayon ay wala umanong official count ng mga nasugatang empleyado ng HTI.

Ayon naman kay Gabriela PL Rep. Arlene Brosas na nakababahala ang mga lumabas na impormasyon na maraming nasawi sa insidente.

Nais aniya ng Makabayan na mabigyang-linaw ito sa pamamagitan ng congressional probe ng Kamara.

Marapat din umano papanagutin sa insidente ang may-ari ng HTI at maging ang mga opisyal ng economic zone.

Isang leksiyon anila ang insidente sa ibang kumpanya para hindi balewalain ang aspeto ng occupational health and safety ng kanilang operasyon.

TAGS: Congress, EPZA, hti, Makabayan bloc, Congress, EPZA, hti, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.