Mayor ng Tuguegarao City sinibak sa pwesto ng Ombudsman

Soriano
Inquirer file photo

Ipinag-utos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang dismissal mula sa serbisyo ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Ito ay makaraang mapatunayan ng amti-graft body ang mayor na guilty sa kasong Grave Misconduct at Abuse of Authority.

Ang direktiba ay ginawa ni Morales matapos na mapatunayan ang pagbibigay ni Soriano ng pabor sa One Way Parking Terminal, Inc. (OWPTI) nang mag-isyu ito ng provisional permit para sa operasyon nito nang walang kaukulang ordinansya at otorisasyon o legislative franchise mula sa sangguniang panlungsod .

Ayon kay Morales, ang ginawa ni soriano ay malinaw na pag-abuso sa otoridad nito at tahasang pagbalewala sa mga umiiral na proseso.

Kaugnay nito, inutusan ng Ombudsman ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para agad na ipatupad ang nasabing dismissal order.

Ang direktiba ay may katapat na kaparusahan na habambuhay na disqualification sa anumang opisina sa gobyerno, forfeiture ng retirement benefits at cancellation ng eligibility nito.

Read more...