Personal umano na ihahatid ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa Malacañang ang 378 mga pulis scalawags mula sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Ayon kay Bato, ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip na isailalim sa retraining ay dalhin sa kaniya ang mga nasabing pulis.
Ayon kay Dela Rosa, inatasan na niya si NCRPO Director Oscar Albayalde na dalhin na sa Camp Crame ang mga nasabing pulis bago dalhin sa Malakanyang.
Kailangan umano na maumpisahan na ng mga pulis na maglinis sa Pasig River para hindi na nahihirapan pa sa pagtawid ang barge ng pangulo mula sa Malacañang papuntang Bahay Pangarap dahil sa dami ng mga water lilies at basura.
Sa kabila nito, iginiit ni Dela Rosa na ang 378 na mga pulis ay hindi sangkot sa ilegal na droga at sangkot lamang sa mga minor offenses.
Dahil dito may pag-asa pa ang mga ito magbago at mareporma kung isasalang sa retraining.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa soul searching and internal cleansing ang mga tauhan ng pulisya.