Klase sa ilang lugar na apektado ng tigil-pasada, suspendido na

walang pasok(UPDATE) Sinuspinde na ang klase sa ilang mga lugar na apektado ng tigil-pasada ng grupong Stop and Go Coalition.

Sa abiso ng pamunuan ng University of the Philippines (UST) suspendido na ang panghapon na klase mula alas 12:00 ng tanghali.

Kabilang din sa sinuspinde ang pasok sa mga opisina sa nasabing Unibersidad.

Ito ay dahil sa epekto ng transport strike sa Maynila.

Samantala, sa Malabon City, sinusipnde na rin ang panghapon na klase sa lahat ng antas ngayong araw.

Ito ay para hindi na maapektuhan pa ng tigil-pasada ang mga mag-aaral at empleyado ng mga paaralan.

Ang De La Salle University, nagsuspinde na rin ng klase mula ala una y media ng hapon.

Sakop ng classes at work suspension ang campus ng DLSU sa Taft, Makati at BGC.

Gayundin ang FEU Manila at ang Adamson University.

 

Read more...