Iba’t ibang krimen muna ang tututukan ng PNP matapos ihinto ang war on drugs

By Ruel Perez February 06, 2017 - 12:29 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Nakatutok ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa operasyon kontra sa iba’t ibang krimen matapos na itigil giyera kontra droga.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, iiwas muna sila sa mga operasyon laban sa ilegal na droga.

Pero paliwanag ni Dela Rosa, bagaman wala silang mga ilulunsad na operasyon, maari naman na rumesponde o manghuli ang kaniyang mga pulis kung nagaganap ang transaksyon ng ilegal na droga.

Bagaman hindi muna sila sa operasyon war on drugs, iginiit ni Dela Rosana mandato pa rin nila na tumugon kung may nagaganap na krimen o naaktuhang pangyayari na may kinalaman sa illegal drugs.

Sinabi ni Dela Rosa na itinigil nila ang buy-bust operations at lahat ng police-initiated operations na may kinalaman sa droga.

“Iyong buy-bust operation, hindi na pwede iyon, lahat ng police-initiated operations (on illegal drugs), stop lahat iyon,” ani Dela Rosa.

Pitong krimen ang focus aniya ng PNP kabilang ang murder, homicide, theft, robbery, physical injuries, carnapping/motornapping at rape.

 

TAGS: anti crime operations, PNP, War on drugs, anti crime operations, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.