P1 dagdag sa pasahe sa mga Jeep, aprubado na LTFRB

By Rod Lagusad February 06, 2017 - 11:51 AM

jeepneyKinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubado na ang inihaing petisyon para sa pisong provisional increase sa pamasahe sa jeep.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III ang naturang petisyon ay inihain ng ACTO, FEJODAP, LTAP at ALTODAP.

Ani Delgra, posibleng sa Miyerkules, February 8 ang pinakamaagang implementasyon ng dagdag pasahe.

Ang provisional fare increase ay iiral para sa National Capital Region (NCR), at sa Regions 3 at 4.

Ayon kay Delgra, maaring bukas o sa Miyerkules na maging epektibo ito kapag natapos na ang paggawa ng issuance of order.

Dahil sa nasabing pasya ng LTFRB, magiging P8 na ang minimum na pamasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P7.

Paliwanag ni Delgra, provisional fare increase lamang ang kanilang inaprubahan at nakatakda pang desisyonan ang main petition ng mga transport group upang matukoy kung magkano talaga ang idaragdag sa pamasahe sa jeep.

 

 

 

TAGS: fare, fare increase, Jeep, fare, fare increase, Jeep

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.