May krisis sa PNP ayon kay DILG Sec. Sueno

By Ruel Perez February 06, 2017 - 11:30 AM

PNP promotionKumbinsido si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Ismael Sueno na nasa krisis ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay kaugnay sa kampanya ng pambansang pulisya sa iligal na droga.

Sa talumpati ng kalihim sa ika-26 na anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP sa Camp Crame, iginiit ng opisyal na seryoso ang problema na kinakaharap ngayon ng PNP bunsod na rin ng mga nakalipas na kontobersya na kinsasangkutan nito.

Gayunman, sinabi ng kalahim na matibay ang kanyang paniniwala na malalagpasan din ito ng kapulisan.

Kumbinsido rin si Sueno na kahit pa pansamantalang inihinto ng PNP ang kanilang Oplan Tokhang, hindi naman ito makakabawas o makakababa sa morale ng mga pulis dahil magsisilbi umano itong hamon para sa kanila.

Nakikitaan rin aniya ng ‘wisdom’ ng kalihim ang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng re-strategy ang pamahalaan para malabanan ang iligal na droga.

Maari rin ayon kay Sueno na samantalahin ang pagkakataon na ito para pagnilayan ng PNP ang mga pagkukulang o pagkakamali nila sa kanilang mga operasyon.

 

TAGS: Camp Crame, DILG, PNP, Camp Crame, DILG, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.