Number coding para sa PUVs, sinuspinde ng MMDA
Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding para sa mga pampublikong sasakyan ngayong araw.
Sa abiso ng MMDA, epektibo kaninang 9:12 ng umaga, suspendido na ang number coding para sa mga public utility vehicles.
“As of 9:12 AM, number coding is lifted today, Feb 6, for all PUBLIC UTILITY VEHICLES ONLY,” ayon sa abiso ng MMDA.
Dahil sa suspensyon, ang mga pampasaherong sasakyan na ang plaka o conduction sticker ay nagtatapos sa 1 at 2 ay maari nang makabiyahe.
Ito ay para madagdagan ang bilang ng mga pampasaherong sasakyan na bibiyahe sa mga lansangan ngayong may isinasagawang transport strike ang grupong Stop and Go Coalition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.