Matapos ang pagbawi ng pamahalaan sa ceasefire, miyembro ng NPA, patay sa bakbakan sa Mindoro

By Rohanisa Abbas February 06, 2017 - 10:27 AM

paluan occidental mindoroNapatay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo, ilang araw matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tigil-putukan ng pamahalaan sa nasabing grupo.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Colonel Edgard Arevalo.

Aniya, naganap ang bakbakan sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Pinabulaanan naman ni Arevalo ang pahayag ng NPA na naunang pumasok ang mga militar sa mga teritoryo ng komunistang grupo bago pa man bawiin ang ceasefire.

Katunayan ayon kay Arevalo, ipinagpatuloy nga ng NPA ang pangingikil bagaman may umiiral na ceasefire.

Matatandaang tinawag ni Duterte na terorista ang CPP-NPA matapos nitong bawiin ang ceasefire at ianunsyo ang pagtigil ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at nasabing grupo.

 

 

TAGS: Ceasefire, NPA, Occidental Mindoro, Ceasefire, NPA, Occidental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.