Inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasahero at mga motorista na tatagal hanggang mamayang gabi ang epekto ng transport strike na isinasagawa ng mga tsuper ng jeep.
Ayon sa MMDA, hanggang alas 7:00 ng gabi ang ikinasang transport protest na maliban sa epekto sa mga pasahero ay naapektuhan din ang daloy ng traffic.
Sa abiso ng ahensya, kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lugar hanggang mamayang gabi:
Bonifacio Monument
EDSA Shrine
EDSA Shaw Blvd
Marcos Highway
Liwasang Bonifacio
Mendiola
Baclaran
Muñoz SB
Balintawak/Balonbato
Commonwealth/Litex
EDSA – Cubao Aurora
Aurora – Katipunan
IBP Road
Philcoa
Centris
Welcome Rotonda
People’s Monument
Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos, labis na naapektuhan ng tigil-pasada ang Monumento sa Caloocan.
Nag-deploy aniya ang MMDA ng aabot sa anim na bus sa Monumento para magbigay ng libreng-sakay sa mga apektadong pasahero.
Ang nasabing mga bus ng MMDA ay dinumog ng publiko na pawang walang masakyang jeep.
LOOK: Mga pasaherong apektado ng #TransportStrike sa EDSA-Monumento | @rockyrod26 pic.twitter.com/BWqj9o8GBW
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 6, 2017
WATCH: Mga pasahero sa EDSA-Monumento na apektado ng #TransportStrike | @rockyrod26 pic.twitter.com/AUAUfb8Iv5
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 6, 2017
WATCH: Punuan ang libreng sakay ng @MMDA sa EDSA-Monumento | @rockyrod26 #TransportStrike pic.twitter.com/UMnha5uXg7
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 6, 2017
LOOK: Punuan ang libreng sakay ng @MMDA sa bahagi ng EDSA-Monumento | @rockyrod26 pic.twitter.com/OHDwZVq029
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 6, 2017
Hiningi rin ng MMDA ang tulong ng PNP sa bahagi ng Monumento matapos makatanggap ng reklamo na may mga nanghaharang sa mga tsuper na ayaw lumahok sa strike.
WATCH: Nagtalaga din ng mga pulis sa Monumento – Caloocan kaugnay sa tigil-pasada | @rockyrod26 pic.twitter.com/AhJr9a8WvP
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 6, 2017
WATCH: Sitwasyon sa Kalentong, Mandaluyong | @wiljonjrabejero #transportstrike pic.twitter.com/g6rnaVIsfg
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 5, 2017
WATCH: Sitwasyon sa Commonwealth Ave – Philcoa QC | @rockyrod26 #transportstrike pic.twitter.com/zndLs5e3B6
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 5, 2017