16M jackpot sa 6/49 iuuwi ng nag-iisang lotto bettor

pcso-super-lottoIsa lamang ang nagwagi sa jackpot prize ng 6/49 Super Lotto na binola kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isang mananaya lamang ang nakakuha ng winning number combination na 03-10-13-25-19-15.

Iuuwi ng nasabing lone bettor ang jackpot prize na aabot sa P16 million.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na nagkakahalaga na ng mahigit P152 million.

Ang winning number combination kagabi para sa 6/58 ay 47-06-36-48-10-25.

 

 

 

 

Read more...