Lalaki patay matapos makipag-away sa kasamahan sa Parañaque City

By Cyrille Cupino February 06, 2017 - 04:23 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Bicutan Market, Brgy San Martin de Porres, Parañaque City.

Kinilala ang biktimang si Edward, alyas ‘Tangkad’ na stay-in sa nasabing palengke.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Rico Tino, alyas Bulaw.

Nagtatalo umano ang dalawa sa kung sino ang dapat naglinis sa kanilang tindahan sa palengke.

Lumalabas na napikon ang suspect sa biktima dahilan para pagsasaksakin si Tanglad.

Nagawa pang isugod sa ospital ang biktima, pero binawin rin ito ng buhay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.