Pamahalaan at NDFP, hinimok na huwag ibasura ang peace talks
Iba’t ibang sektor na ang nananawagan sa pamahalaan at sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na bigyan muli ng pagkakataon ang pagsusulong sa usaping pang-kapayapaan.
Ito’y matapos ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP, na political arm ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Kabilang sa mga nananawagan nito ay ang grupo ng mga nakatatanda, retired professionals, mga taga-Simbahan at mga peace advocates sa Cordillera at Cagayan Valley.
Nangangamba kasi ang nasabing grupo na maipit na naman sa madugong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde ang maraming inosenteng sibilyan.
Dahil dito, hinihimok nila ang pamahalaan at NDFP na magkasundo na sa pagbuo ng bilateral ceasefire agreement, at na ipagpatuloy na lang ang peace talks.
Nanawagan rin ang ilang mambabatas tulad ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa pangulo na pag-isipan muli ang pagbasura sa peace talks.
Samantala, umaasa naman si Sen. Risa Hontiveros na makakita ang pangulo ng “compelling reason” para balikan ang peace process, habang naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na hindi naman tuluyang isinasara ng pangulo ang kaniyang pintuan para sa peace talks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.